Wednesday, September 22, 2004

A Grand Time in Laguna

Nakakaburat na...ngayun, mula 8:00 am hanggang 3:30 pm, wala akong ginawa kundi gumawa ng monthly report, masakit na mga mata at puwet ko. Malapit na ang katapusan, hangga't maari di pa dumarating ang month-end, inuumpisahan ko nang gumawa...di ko style yung naghahabol ng mga report pag katapusan na, mas masakit sa ulo. "Cramming" ika nga. Retired na ako sa style na yun...estudyante pa ako ugali ko na, inalis ko na yun. Pampaalis muna ng suya, eto...makapagsulat nga ng blog.

 
I have nothing in particular to brag at this moment...ah, maibida na lang ang gimik ko nung linggo. It was one of the grandest time I had for a long time. Me and six of my barkadas (together with our respective families) had a trip to Lumban, Laguna, the home of lansones and rambutan. We drove our cars in "convoy" for a 2-hour trip to a certain "hot spring" resort. The place was very simple yet it was one of the most serene places i've seen...lots of trees (rambutan, lansones & whatever), fruits, some wildlife in cages (wild boar, snakes, lots of birds, monkeys, etc). Most in particular is the fresh air which is much, much cleaner than here at the plant. You'd feel a big relief when the wind blows on you...my lungs felt the comfort it brings.

 

The water was so fresh, the pool was filled up just when we arrived. I had a good time with my wife and kids at talagang nag-enjoy sila sa lugar na yun, pati pag-kain, super sarap...inihaw na tilapia na gumagalaw pang binili sa palengke sa lugar na yun. Meron ding inihaw na bangus, talong + kamatis + alamang, barbeque, sinigang na babuy, kilawin tanigue, pansit, mga prutas at ewan kung anu pa yung iba. Naglublub ako sa tubig maghapon (di ako lumanguy at di naman ako marunong) at talagang nakaramdam ako ng ginhawa...malayo sa trabaho, malayo sa traffic, malayo sa mga asungot sa paligid, maski panandalian lang.

Natutuwa ako sa mga anak ko at sa mga anak ng mga barkada ko...di mo maipinta ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Alam ko di lang sa tubig o sa lugar na yun ang naging kaligayahan nila kundi ang makita nila na ang buong pamilya maski gaano kahirap ang buhay ay sama-sama...maski sa panadaliang kasiyahan lamang.

Tama nga si Sampaguita..."Laguna, nang ito ay marating ko, para bang ako'y nagbago...kakaibang damdamin"

No comments:

Nostalgia